Hotel Center ng Google

Mga Tuntunin ng Serbisyo

 

Ang Mga Tuntunin ng Serbisyo na ito para sa Hotel Center ng Google (“Mga Tuntunin”) ay sinasang-ayunan ng Google LLC (“Google”) at ng entity na nagsasakatuparan ng Mga Tuntuning ito, o sumasang-ayon sa Mga Tuntuning ito sa electronic na paraan (“Travel Partner”).  Sumasaklaw ang Mga Tuntuning ito sa paggamit ng Travel Partner ng Google Hotel Center, kabilang ang mga nauugnay na serbisyo, feature, at functionality (“Mga Serbisyo”) (i) na naa-access sa pamamagitan ng (mga) account na ibinigay sa Travel Partner kaugnay ng Mga Tuntuning ito (“Mga Account”) o (ii) na isinasama ang Mga Tuntuning ito sa pamamagitan ng pagbanggit (sama-samang tinatawag na “Hotel Center”).  

 

1. Paggamit ng Hotel Center.  Puwedeng magsumite ang Travel Partner ng data, mga feed, o iba pang content (“Content”) sa Hotel Center sa iba't ibang paraan, pati na sa pamamagitan ng mga Google API. Sumasang-ayon ang Travel Partner na magsumite ng Content sa paraang sumusunod sa anumang tagubilin o detalyeng ginawang available ng Google sa Travel Partner. Posibleng gawing available ng Google ang functionality na magpapahintulot sa Travel Partner na mag-export, mag-link, maglipat ng Content sa, o kaya ay gumamit ng Content mula sa, Hotel Center gamit ang ibang serbisyo ng Google. Sa ganitong sitwasyon, malalapat ang mga tuntunin at kundisyon ng iba pang serbisyo ng Google kaugnay ng paggamit ng Travel Partner ng naturang serbisyo, sa kundisyong ang paggamit ng Travel Partner ng Hotel Center ay patuloy na masasaklawan ng Mga Tuntuning ito. Kung pipiliin ng Travel Partner na gumamit ng ilang partikular na opsyonal na Serbisyo ng Hotel Center, posibleng hilingin sa Travel Partner na sumang-ayon sa mga hiwalay na tuntunin na partikular sa Mga Serbisyong iyon.  Ang ilang Serbisyo ng Hotel Center ay tinutukoy bilang “Beta” o kaya ay hindi sinusuportahan o kumpidensyal (“Mga Beta na Feature”).  Hindi puwedeng ihayag ng Travel Partner ang anumang impormasyon mula sa o tungkol sa Mga Beta na Feature o ang mga tuntunin o pagkakaroon ng anumang hindi pampublikong Beta na Feature.  Posibleng suspindihin, baguhin, o ihinto ng Google o Mga Affiliate nito ang Mga Serbisyo, kabilang ang Mga Beta na Feature, anumang oras.  Para sa Mga Tuntuning ito, tumutukoy ang “Affiliate” sa anumang entity na direkta o hindi direktang nagkokontrol sa, o kinokontrol ng, o kasamang kinokontrol ng Google paminsan-minsan.

 

2. Account.  Ang paggamit ng Travel Partner ng Hotel Center ay napapailalim sa paggawa at pag-apruba ng Google ng isa o higit pang Account.  Para i-verify ang Mga Account, at paminsan-minsan, posibleng humiling ang Google ng karagdagang impormasyon, kabilang ang legal na pangalan ng entity, alok ng negosyo, pangunahing contact, numero ng telepono, address, at mga nauugnay na domain. Ang Travel Partner ang responsable para sa paggamit nito ng Hotel Center, kabilang ang lahat ng pag-access sa at paggamit ng Mga Account, Content na isinusumite sa Hotel Center sa pamamagitan ng Mga Account, at pag-iingat sa mga username at password ng Account.

 

3. Mga Patakaran.

a. Ang paggamit ng Travel Partner ng Hotel Center ay napapailalim sa (i) mga naaangkop na patakaran ng Google na available sa https://support.google.com/hotelprices/topic/11077677 at lahat ng iba pang patakarang ginawang available ng Google sa Travel Partner, na posibleng baguhin ng Google paminsan-minsan (sama-samang tinatawag na “Mga Patakaran”), (ii) Mga Tuntuning ito at (iii) pagsunod ng Travel Partner sa (mga) naaangkop na batas. 

b. Kaugnay ng Hotel Center, (i) susunod ang Google sa Patakaran sa Privacy ng Google na available sa google.com/policies/privacy (babaguhin paminsan-minsan) at (ii) hangga't naaangkop, ang Google at Travel Partner ay sumasang-ayon sa Mga Tuntunin sa Pagprotekta ng Data sa pagitan ng Controller-Controller para sa Google sa https://privacy.google.com/businesses/gdprcontrollerterms/ (“Mga Tuntunin sa Proteksyon ng Data”).  Hindi babaguhin ng Google ang Mga Tuntunin sa Proteksyon ng Data, maliban kung malinaw na pinapahintulutan sa ilalim ng Mga Tuntunin sa Proteksyon ng Data.

 

4. Content ng Travel Partner.

a. Sa pamamagitan nito, binibigyan ng Travel Partner ang Google at Mga Affiliate nito ng isang panghabang-panahon, hindi mababawi, pandaigdigan, at libreng lisensya na gamitin ang Content (hangga't pinoprotektahan ng mga karapatan sa intellectual property) kaugnay ng mga produkto at serbisyo ng Google o Mga Affiliate nito. Sumasang-ayon ang Travel Partner na posibleng i-sublicense ng Google at Mga Affiliate nito ang mga karapatang ito sa aming mga contractor na nagsasagawa ng mga serbisyo para sa amin, at sa aming mga user para magamit nila ang naturang content kaugnay ng paggamit ng mga produkto at serbisyo ng Google o Mga Affiliate nito.

b. Kung may mga URL o katulad na content ang Content na isinumite ng Travel Partner, binibigyan ng Travel Partner ang Google at Mga Affiliate nito ng karapatang i-access, i-index, i-cache, o i-crawl ang (mga) URL at ang content na available sa pamamagitan ng (mga) naturang URL (“Mga Destinasyon”).  Halimbawa, posibleng gumamit ang Google ng naka-automate na software program para kunin at suriin ang mga website na nauugnay sa mga naturang URL.  Sumasang-ayon ang Travel Partner na ang anumang content na nakolekta ng Google o Mga Affiliate nito mula sa Mga Destinasyon ay ituturing na Content alinsunod sa Mga Tuntuning ito.

c. Sa pamamagitan ng paggamit ng Hotel Center, pinapahintulutan ng Travel Partner ang Google na gamitin ang anumang trademark, marka ng serbisyo, trade name, pinagmamay-ariang logo, domain name at anupamang identifier ng source o negosyo, kaugnay ng pinapahintulutang paggamit ng Google ng Content.

 

5. Pag-test.  Pinapahintulutan ng Travel Partner ang Google at Mga Affiliate nito na (a) pana-panahong magsagawa ng mga test na posibleng makaapekto sa paggamit ng Travel Partner ng Mga Serbisyo (kabilang ang nauugnay sa Mga Destinasyon, kalidad, ranking, performance, pag-format o iba pang pagsasaayos) nang hindi inaabisuhan ang Travel Partner, at (b) i-automate ang pagkuha at pagsusuri ng, at gumawa ng mga kredensyal sa pag-test para i-access ang, Mga Destinasyon.

 

6. Warranty, Mga Karapatan, at Mga Obligasyon.  Isinasaad at pinapatunayan ng Travel Partner na (a) may ganap na kapangyarihan at awtoridad ang Travel Partner na sang-ayunan ang Mga Tuntuning ito, (b) hawak at papanatilihin ng Travel Partner ang mga karapatang ibigay ang mga lisensya at pahintulot na itinakda sa Seksyon 4, (c) hindi magbibigay ang Travel Partner ng anumang Content na lumalabag sa Mga Patakaran, naaangkop na batas, o anumang naaangkop na patakaran sa privacy, o lumalabag sa anumang karapatan sa intellectual property ng third party, (d) hawak ng Travel Partner ang lahat ng kinakailangang karapatan at pahintulot para gawing available sa Google ang anumang impormasyong nakolekta mula sa o tungkol sa isang indibidwal na pinoprotektahan sa ilalim ng mga naaangkop na batas o regulasyon sa privacy ng data o proteksyon ng data, at (e) ang impormasyon at mga pahintulot na ibinigay ng Travel Partner (kabilang ang lahat ng kinakailangang paghahayag na nauugnay sa produkto na kailangan para maipakita ang mga alok ng Travel Partner), ay nananatili at mananatiling kumpleto, wasto at napapanahon.

 

7. Mga Disclaimer.  HANGGANG SA SAGAD NA SAKOP NA PINAPAHINTULUTAN NG BATAS, ITINATATWA NG GOOGLE AT MGA AFFILIATE NITO ANG LAHAT NG WARRANTY, MAGING  IPINAPAHIWATIG, NASA BATAS, O IBA PA, KABILANG ANG MGA WARRANTY PARA SA HINDI PAGLABAG, KASIYA-SIYANG KALIDAD, KAKAYAHANG MAIKALAKAL, O KAAKMAAN PARA SA ANUMANG LAYUNIN, PATI NA RIN ANG ANUMANG WARRANTY NA MAGMUMULA SA ANUMANG PAKIKIPAGTRANSAKSYON O PAKIKIPAGKALAKAL.  HANGGANG SA SAGAD NA SAKOP NA PINAPAHINTULUTAN NG BATAS, ANG HOTEL CENTER AT MGA NAUUGNAY NA SERBISYO NITO AY IBINIBIGAY NANG “WALANG BINABAGO,” “KUNG ANO ANG AVAILABLE” AT “KASAMA ANG LAHAT NG PAGKAKAMALI,” AT GINAGAMIT NG MERCHANT ANG MGA ITO SA SARILI NITONG PAGPAPASYA. WALANG ANUMANG IGINAGARANTIYA ANG GOOGLE AT MGA AFFILIATE NITO KAUGNAY NG HOTEL CENTER O MGA NAUUGNAY NA SERBISYO NITO, O KAUGNAY NG ANUMANG RESULTANG MAGMUMULA RITO. HINDI NANGANGAKO ANG GOOGLE AT MGA AFFILIATE NITO NA IPAPAALAM SA MERCHANT ANG MGA DEPEKTO O ERROR.

 

8. Limitasyon ng Sagutin.  HANGGANG SA SAGAD NA SAKOP NA PINAPAHINTULUTAN NG BATAS, ANUMAN ANG TEORYA O URI NG HABOL, (A) HINDI MANANAGOT ANG GOOGLE AT MGA AFFILIATE NITO PARA SA ANUMANG DANYOS NA HINDI MGA DIREKTANG DANYOS SA ILALIM NG MGA TUNTUNING ITO, O NA MAGMUMULA SA O NAUUGNAY SA PAGGANAP NG MGA TUNTUNING ITO, KAHIT NA ALAM O DAPAT ALAM NG GOOGLE O ISA SA MGA AFFILIATE NITO NA POSIBLE ANG IBA PANG URI NG DANYOS, AT KAHIT NA HINDI NANGANGAILANGAN NG REMEDYO ANG MGA DIREKTANG DANYOS; AT (B) HINDI MANANAGOT ANG GOOGLE AT MGA AFFILIATE NITO PARA SA MGA DANYOS SA ILALIM NG MGA TUNTUNING ITO, O NA MAGMUMULA SA O NAUUGNAY SA PAGGANAP NG MGA TUNTUNING ITO PARA SA ANUMANG PARTIKULAR NA PANGYAYARI O SERYE NG MGA MAGKAKAUGNAY NA PANGYAYARI NA MAGKAKAHALAGA NG MAHIGIT USD $5,000.00 SA KABUUAN.

 

9. Pagbabayad-danyos.  Hanggang sa sakop na pinapahintulutan ng naaangkop na batas, ipagtatanggol at babayaran ng Travel Partner ang Google, Mga Affiliate, mga ahente, at mga tagapaglisensya nito laban sa lahat ng sagutin, danyos, pagkalugi, gastos, bayarin (kabilang ang mga legal na bayarin), at gastusing nauugnay sa anumang third-party na legal na paglilitis hangga't magmumula o nauugnay ang mga ito sa Content, Mga Destinasyon ng Travel Partner, paggamit ng Hotel Center, mga nauugnay na Serbisyo nito, o anumang paglabag sa Mga Tuntuning ito ng Travel Partner.

 

10. Pagwawakas.  Nakalaan sa Google ang karapatang paghigpitan, suspindihin, o wakasan (nang ganap o bahagya) ang access ng Travel Partner sa, o paggamit nito ng, Hotel Center, Mga Serbisyo o (Mga) Account kung (a) lalabag ang Travel Partner sa Mga Tuntuning ito, anumang Patakaran o naaangkop na batas, (b) iaatas sa Google na gawin ito para sumunod sa isang legal na kinakailangan o utos ng hukuman, o (c) makatuwirang naniniwala ang Google na ang asal ng Travel Partner ay nagdudulot ng pinsala o sagutin sa ibang Travel Partner, sa isang third party, o sa Google. Kung naniniwala ang Travel Partner na ang access nito sa Hotel Center, Mga Serbisyo, o (Mga) Account ay hindi dapat pinaghigpitan, sinuspinde, o winakasan, sumangguni sa proseso ng pag-apela sa aming Mga Patakaran. Posibleng wakasan ng Travel Partner ang Mga Tuntuning ito anumang oras sa pamamagitan ng pagsasara ng (Mga) Account nito at pagtigil sa paggamit ng Hotel Center.

 

11. Mga Pagbabago sa Mga Tuntunin.  Posibleng gumawa ang Google ng mga hindi materyal na pagbabago sa Mga Tuntuning ito anumang oras nang walang abiso, pero magbibigay ang Google ng paunang abiso tungkol sa anumang materyal na pagbabago sa Mga Tuntuning ito. Ang mga pagbabago sa Mga Tuntuning ito ay hindi malalapat nang retroactive at magkakaroon ng bisa 7 araw pagkatapos ma-post sa page na ito. Gayunpaman, ang mga pagbabagong ginawa para sa mga legal na dahilan o sa mga agarang sitwasyon (tulad ng pagpigil sa nagaganap na pang-aabuso) ay agad na magkakaroon ng bisa pagkabigay ng abiso.

 

12. Sumasaklaw na Batas; Pagreresolba ng Di-pagkakasundo. Ang lahat ng habol na magmumula sa o nauugnay sa Mga Tuntuning ito o sa Hotel Center ay masasaklawan ng batas ng California, maliban sa mga panuntunan sa pagsasalungatan ng mga batas ng California, at eksklusibong lilitisin sa mga pederal o pang-estadong hukuman ng Santa Clara County, California, USA; pinapahintulutan ng mga partido ang personal na hurisdiksyon sa mga hukumang iyon.  Kung ang Travel Partner ay nasa isang naaangkop na hurisdiksyon, posible ring hilingin ng Travel Partner na resolbahin ang di-pagkakasundo sa Google na mangyayari kaugnay ng Mga Tuntuning ito o ng Hotel Center, gamit ang pamamagitan. Makakita ng higit pang detalye tungkol sa mga tagapamagitan kung kanino kami handang makipagtulungan, at mga tagubilin sa kung paano humiling ng pamamagitan dito. Maliban kung iniaatas ng naaangkop na batas, ang pamamagitan ay boluntaryo at walang sinuman sa Travel Partner o Google ang may obligasyong mag-ayos ng mga di-pagkakasundo gamit ang pamamagitan.

 

13. Miscellaneous. (a) Ang Mga Tuntuning ito ay ang buong kasunduan ng mga partido na nauugnay sa kanilang paksa, at nangingibabaw ito sa anumang nauna o kasabay na kasunduan tungkol sa mga paksang iyon, kabilang ang anumang Kasunduan sa Paglisensya ng Content sa pagitan ng Google at Travel Partner para sa content na isinumite sa Hotel Center kasunod ng pagtanggap ng Travel Partner sa Mga Tuntuning ito. (b) Hindi puwedeng gumawa ang Travel Partner ng anumang pampublikong pahayag tungkol sa ugnayang isinasaad ng Mga Tuntuning ito (maliban kapag iniaatas ng batas). (c) Maliban sa mga pagbabago sa Mga Tuntunin ng Google sa ilalim ng Seksyon 11, ang anumang pagbabago sa Mga Tuntuning ito ay dapat mapagkasunduan ng dalawang partido at dapat malinaw na ipinapahayag na binabago nito ang Mga Tuntuning ito. (d) Ang lahat ng abiso ng pagwawakas o paglabag ay dapat nakasulat at naka-address sa Legal na Departamento ng kabilang partido (o kung hindi alam kung mayroong Legal na Departamento ang kabilang partido, sa pangunahing contact o address ng kabilang partido na nasa file). Ang mga email ay mga nakasulat na abiso. Ang email address para sa mga abiso na ipinapadala sa Legal na Departamento ng Google ay legal-notices@google.com.  Ang lahat ng iba pang abiso sa Travel Partner ay gagawin nang nakasulat at ipapadala sa email address na nauugnay sa account ng Travel Partner.  Ang lahat ng iba pang abiso sa Google ay gagawin nang nakasulat at naka-address sa pangunahing contact ng Travel Partner sa Google, o iba pang paraang ginawang available ng Google. Ituturing na naibigay na ang abiso kapag natanggap na ito, na kukumpirmahin sa pamamagitan ng nakasulat o electronic na paraan. Hindi nalalapat ang mga kinakailangan sa abiso na ito sa legal na serbisyo ng proseso, na nasasaklawan naman ng naaangkop na batas. (e) Hindi ituturing na isinuko na ng alinmang partido ang anumang karapatan kapag hindi ginamit ang (o inantala ang paggamit ng) anumang karapatan sa ilalim ng Mga Tuntuning ito. (f) Kung mapag-aalamang hindi maipapatupad ang anumang probisyon ng Mga Tuntuning ito, ipapawalang-bisa ang probisyong iyon at mananatiling may buong puwersa at bisa ang natitirang bahagi ng Mga Tuntunin. (g) Hindi puwedeng italaga ng Travel Partner ang alinman sa mga karapatan o obligasyon nito sa ilalim ng Mga Tuntuning ito nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Google.  (h) Walang nakikinabang na third party sa Mga Tuntuning ito. (i) Ang Mga Tuntuning ito ay hindi gumagawa ng anumang ahensya, partnership, joint venture, o ugnayan sa pagtatrabaho sa pagitan ng mga partido. (j) Malalampasan ng Seksyon 1, 4, 6-10, at 12-13 ang pag-expire o pagwawakas ng Mga Tuntuning ito. (k) Hindi mananagot ang sinumang partido o Mga Affiliate nito sa hindi pagganap o pagkaantala ng pagganap, hangga't idinulot ito ng mga sitwasyong hindi nito makatuwirang makokontrol.